Tanga lang. Period.
by Arakz アラクス
Disclaimer: Hindi ko po layunin na manglait ng tao. Ito ay isa lamang pagpapahayag ng opinion na alinsunod sa Freedom of Expression. Kung tingin mo tatamaan ka, umilag ka. Ang mga tauhan at pangyayari sa blog na ito ay pawang mga kathang isip lamang. Anumang pagkakahalintulad sa mga tunay na pangyayari ay pawang hindi sinasadya.
Sa totoo lang, wala pa naman yung tinatawag nilang “topak” para makapag-blog uli ako. Pero sa mga hindi inaasahang pagkakataon, inatake nalang ako bigla ng “topak”. Ang tanga lang kasi ng mga tao sa paligid - eto ang trigger ng “topak” ko. Ang ikukwento ko ay tungkol sa kaibigan ng kaibigan ko at yung boyfriend niyang ewan. (Kung mabasa mo man ito, patawarin mo ako dahil di ko lang ma-take ang katangahan ng boyfriend mo at ang kaibigan ko na nagkwento)
Itatago natin sa pangalang Estella ang kaibigan ng kaibigan ko. Maganda si Estella. Hindi pretty in English kundi beautiful. Inside and out. Mga tipong, “what more could you ask for?” Hindi sa exageration pero maganda talaga siya. Maganda siya para sa boyfriend niya (na ex-boyfriend na niya) na itatago natin sa pangalang Mauricio. Si Mauricio ay kabaliktaran ni Estella. Hindi naman sa masama ang ugali niya. Sakto lang pero tipikal na lalake; babaero, manloloko, bolero and the likes. Ang masaklap pa dito, ang panget din ng pag mumukha niya. Nagiging gwapo lang siya dahil nag-uumapaw sa confidence. In short, confidence lang. Kapal ng mukha.
Bago sila magbreak-up, eto ang mga pangyayari. Few years before the break-up, (naks, parang course in the wards lang) May history na itong si Mauricio ng infidelity kay Estella. Nag-away sila noon at si Mauricio, bilang isang tipikal na lalaki, eh pansamantalang bumaling ng atensyon sa ibang babae. Ang masaklap pa doon, yung pinagbalingan ni Mauricio eh wala pa sa kalingkingan ni Estella. Mangangaliwa nalang eh hindi pa pumili ng kasing ganda o mas maganda pa kay Estella. (Do not get me wrong, I abhor this kind of idea) Swerte nalang niya at pinatawad pa siya ni Estella. Swerte mo. Ungas.
Weeks before the break-up, may sumugod na babae kay Estella. Sinasabi nung babae (na dating naka-fling ni Mauricio noon) na ginugulo siya ng boyfriend niya. Bilang SOP, siyempre bago maniwala si Estella ay naghanap muna siya ng ebidensya. Pinakita nung babae yung mga text ni Mauricio sa kanya. Si Mauricio nga ang nagtetext dun sa babae. Tinanong ni Estella si Mauricio ukol sa mga text messages na iyon. Ayon kay Mauricio, yung babaeng iyon ang nang gugulo sa kanya. Matagal na daw niya yun hindi nakakatext at nito lang daw nagtext uli at nangugulit sa kanya. (Wow! Ang pogi mo pare) Ang sabi ni babae, kaya nagkaroon daw sila ng communication ulit eh dahil nagkasalubong sila isang beses at hiningi ni Mauricio ang number niya. Una daw eh simpleng kamustahan lang, inakala niya na ganoon lang hanggang sa nagtext si Mauricio na pupuntahan siya. (At pinuntahan nga ng loko si babae habang kasama ang boyfriend niya) Bukod pa sa mga text messages na may pagka R-18 ang dating. Ang depensa ni Mauricio sa mga malalaswang reply eh dahil nakulitan na siya at dahil yun ang gusto nung babae na mabasa eh ayun ang ginawa niya matahimik lang daw yung babae.
Unang tanong: Bakit ganoon ang mga reply ni Mauricio doon sa babae kung hindi talaga siya ang nangugulit?— Aminin mo na, interesado ka din kaya ka nagrereply ng ganoon. Kung biro lang iyon, sana tanggap yun nung babae, di iyon mag-aamok or mao-offend. Hindi yun sususgod kay Estella kung na-offend siya.
Pangalawang tanong: In the first place, kung wala lang talaga iyon sa kanya eh bakit kelangan pa niya mag reply? —Kung nakukulitan si Mauricio edi magpalit siya ng number o kaya i-block niya o kaya eh wag na niya replyan. Aminin mo na, interesado ka din.
Para kay Mauricio: Tanga mo lang pare. Yung ganoong ka-ganda niloko mo lang? Tanga ka nga talaga. Buti nga nagtiyaga pa yun sa iyo eh. Sa panget mong iyan? Walang papatol sa iyo na kasing ganda ni Estella or higit pa sa kanya. Asa ka naman.
At para kay Estella: Hindi totoo yung kanta ni Andrew E. na “Humanap ka ng pangit at ibigin mo ng tunay.” Humanap ka ng TTPL: Tunay na Tapat at Pogi Lang.
Mga irony ng kwento:
1. Kaya nga iibig sa panget para wala kaagaw eh. Katanggap-tanggap pa kung pogi at may kaagaw pero panget na may kaagaw pa?
2. Kung naloko na noon, pwede pang maulit yun.
3. Kapag naghahanap ng iba ang lalaki, kahit pa flirt lang yan, ibig sabihin meron ang babaeng iyon na wala ka…kapangitan.
4. Ang tunay na pag-ibig ay ibinibigay ng mga tunay na tao. Sila iyong may mga MAGAGANDANG KALOOBAN.
Kahit pagbalik-baliktarin mo ang mundo, nakakainis talaga ang tanga.